Friday, November 03, 2006

Kilabot na dala ng Haunted house

Hindi kailanman malilimutan ang pakiramdam ng pagpasok sa isang lugar tulad ng isang haunted house. Sa simula, iisipin mong hindi pangkaraniwan ang iyong papasuking bahay. Makatindig balahibo at kakaibang lamig ang iyong mararamdaman sa iyong pagpasok sa loob.
Noong panahon pa ng Hapon itinayo ang bahay ng pamilyang Tuazon. Nakabase ang bahay na ito malapit sa isang sikat na pampublikong pasyalan sa Sta.Mesa, Maynila. Napapaligiran din ito ng mga kabayahang niluma na ng panahon. Ordinaryong mamamayan lamang ang kanilang pamilya ngunit nagkaroon ng kakaibang papel ang kanilang bahay noong kapanahunan ng giyera. Kinupkop ng mag-asawang Tuazon ang mga ulilang batang may malulubhang karamdaman na mahirap nang gamutin dahil sa kakulangan ng medisina noon. Imbes na ipatapon ng mga Hapon ang mga batang may sakit kung saan-saan, minabuti ng pamilyang Tuazon na tanggapin sa kanilang tahanan at alagaan ang mga batang ito. Nagsilbing kanlungan at proteksyon sa kapahamakan ng digmaan ang bahay ng mga Tuazon ngunit hindi maiwasang dito na rin sila bawian ng buhay. Dahil dito, maraming kaluluwa ng mga musmos ang sinasabing nananatili pa rin sa tirahang ito.

No comments: