Thursday, November 09, 2006

hmm...

Bukod sa pagmumuni-muni tungkol sa gulong ng buhay at ang kabuluhan nito, maraming pagkakataon ding bigla na lamang akong napapaisip tungkol sa mga bagay na kinatatakutan ko. Hindi lamang isang multo o 'di kaya'y mga engkanto ang kinatatakutan dahil marami pang bagay na mas kasindakan. Bakit nga ba may mga bagay tayong kinatatakutan kahit na ang iba rito'y kathang-isip at ilusyon lamang? Na kung minsan ay tayu-tayo rin lamang ang lumilikha at bumubuo mula na rin sa iba't ibang klase ng midyum?
Syempre, kapag mga paranormal at supernatural na bagay na ang pag-uusapan, tila hindi talaga maaalis ang takot sa kadahilanang hindi pamilyar ang mundo nila sa mundo natin. Iilan lamang ang nakakaintindi at may kakayahang makipagtalastasan sa kanila; hindi kayang gawin basta-basta ng kahit sinong normal na tao. Ngunit may kasabihan nga na matakot sa buhay huwag sa patay. Kaya mas dapat mong katakutan ang mortal mong kaaway na umaapi sa'yo. Hindi mo dapat intindihin ang kung ano mang nararamdaman ng sixth sense mo dahil ikaw lamang ang nag-iisip nito at hindi ka pa sigurado sa kung ano ito.

No comments: