Wednesday, November 08, 2006
hmm...
Ayokong isiping tumatanda na ako. Parang gusto kong bumalik muli sa pagkabata dahil noon, hindi ko pa nararanasan ang mga matitinding pasakit sa mundo. Sa bawat pagpatak ng ulan, pag-ikot ng mundo, pagpitik ng mga kamay sa orasan, minsan, maiisip mo na lang kung anong saysay mo dito sa daigdig. Naiisip mo kung napapahalagahan pa ba natin ang bawat isa, ang ibang tao sa paligid natin, pera at lahat ng mga bagay na kung minsan hindi natin napapansin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment