Monday, November 06, 2006

Bahay bilang instrumento ng midya

Sa kadahilanang kakaiba nga ang bahay na ito, nagbukas ito ng ibang pagkakataon upang magamit bilang lugar sa mga pelikula at telebisyon. Ilan lamang ang 'Bahay ni Lola' at 'Nasaan Ka Man' sa mga pelikulang gumamit ng naturang haunted house. Masasabing tinangkilik din ng mga tao ang mga palabas na ito.
Kahit na napuno ng ilaw ang lugar sa paggawa ng pelikula, hindi pa rin ito naging hadlang upang iparamdam ng mga kaluluwa sa loob ng bahay ang kanilang presensya. Nakita sa isang eksena sa pelikulang 'Nasaan Ka Man' ang pag-angat ng buhok ng aktres na si Claudine Barretto sa hindi malamang rason. Nangyari ito sa eksena habang umiiyak siya sa isang silid ng bahay. Paniniwalang gawa-gawa ito ng mga kaluluwang nananahan sa bahay ng mga Tuazon.
Mahirap husgahan ang isang tahanang binalot ng kwento ng katatakutan at kahiwagaan. Maaaring likha lamang ito ng mapaglarong imahinasyon ng mga taong naninirahan dito. Ngunit, kahit anuman ang mayroon dito, nararapat lamang nating bigyan ito ng respeto at pagpapahalaga. Sumpa man kung ituring ang mga haunted house sa ating kapaligiran, nagsisilbi pa rin itong paalalang puno ng misteryo at kababalaghan ang mundong ating ginagalawan.

No comments: