Ilang dekada na ang nakalipas ngunit tila ayaw lisanin ng nakaraan ang bahay na ito. Samu't saring mga kwento ang nagkalat tungkol sa hiwagang bumabalot sa tahanan ng mga Tuazon. Ayon sa kasalukuyang tagapangalaga nitong si Maria Theresa Fazon, maraming nagsasabing nanunuluyan pa rin dito ang mga kaluluwa ng mga batang may sakit. Pananariwa pa niya, madalas siyang makakita ng mga batang dumurungaw sa mga bintana, tila naghahanap ng kalaro at nag-aabang ng mga taon papasok sa loob ng bahay. Nakasanayan na niya ang mga pagpaparamdam ng mga kaluluwa sa mansyon: isang bagay kung bakit napamahal na rin sa kanya ito.
Sa mga pagkakataong walang kuryente sa lugar nila, nangangamba ang mga taong dumaraan sa tabi ng bahay. Natatakot silang magpakita sa kanila ang mga mapaglarong multo ng bahay. Ayon pa kay Fazon, may mga namamahay talaga sa lugar na iyon at isang patunay ang kakaibang pag-ungol ng bantay nila. Ani Fazon, "iba ang ungol ng aso kapag nakakakita ng multo. Mas mataas ito kumpara sa tahol kapag may iba silang taong nakikita lamang."Sinasabi nga nilang mas malakas ang pakiramdam ng mga hayop sa tuwing may multong umaaligid.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment