"Mas mapagkakatiwalaan mo ang hayop kaysa tao. Dahil ang hayop, kailanman ay hindi magtataksil, hindi katulad ng tao."
Ang linyang ito ay nagmula sa isang "anime" na aking napanood. Tinanong ng bida sa kanyang kaibigan kung bakit mahilig siya sa hayop at ang naturang linya ang kanyang naging tugon.
Totoo ngang may kakayanang mag-isip ang tao ay iyon ang dahilan kung bakit tayo angat sa lahat ng nabubuhay dito sa daigdig. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga tao ang pinagkatiwalaan ng Diyos upang pangalagaan ang mundo. Ngunit ang tanong: "Ginagamit ba natin ang ating pag-iisip sa tamang paraan?" Sa tuwing manonood at magbabasa ng balita, hindi na nawawala ang masasamang balita tulad ng korupsyon, pandaraya, paninira, rape, pagnanakaw, giyera at marami pang iba na may kaukulan sa masamang ginawa ng tao sa kanyang kapwa. Kalunus-lunos talaga!
Parang kumikilos tayong taliwas sa ibinigay sa ating ng Diyos. Nararapat bang tawagin talaga tayong may isip kung hindi naman natin ginagamit sa tama ang ating isip? Masakit isipin pero baka dumating ang araw na maging mas masahol pa tayo sa hayop. Kaya gamitin ng tama ang iyong isip at patunayang angat nga tayo sa mga dalisay ng hayop.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment