Monday, October 16, 2006

LIGAYANG HATID NG MGA Palabas ng Kahapon

Malayo na ang narating ng mga TV shows sa kasalukuyan. Hindi na ito tulad ng dating iisang studio lamang ang ginagamitang lugar ng palabas. Nagkakaroon na ng mga palabas na ipinapakita ang mga nangyayari sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga reality shows, soap opera, fantaserye at Asian novelas- ito ang iilan sa mga palabas na madalas makita kapag nanonood tayo ngayon ng telebisyon. Sa dami ng mga palabas, nakakagulat malamang mapapanood nating muli ang mga lumang palabas na minsan na nating sinubaybayan.
Ang panonood ng telebisyon ang isa sa mga naging libangan na nating mga Pilipino. Hindi maikakailang marami na ngang palabas ang ineere sa telebisyon. Mapakomedya man o drama, sadyang patok ito sa manonood kaya naman napadadalas ang pag-ulit ng programa o palabas ng midya.
Samu't saring reaksyon ang binibigay ng sambayanan ukol sa pag-uulit ng mga palabas. May mga taong nasisiyahan at mayroon ding gustung-gustong ulit-ulitin ang panonood ng telenovelas.
Kung minsan nakatutuwang malamang bumabalik ang mga nakaraang TV show. Ngunit minsan din naman dumarating sa puntong nakakasawa na. Iba-iba man ang reaksyon ng taumbayan, hindi na nating maikakailang naging parte na ng buhay nating ang ganitong tradisyon na inuulit o dinudugtungan ang isang palabas sa telebisyon. Mga palabas na sadyang minsang nakaaagaw pansin natin bilang manonood.

No comments: