Saturday, October 28, 2006

Relihiyon atbp.

'Banal na aso, santong kabayo, natatawa ako, hi... hi... hi... sa'yo.'
Nanggaling ang linyang ito sa awi na 'Banal na Aso, Santong Kabayo' na pinasikat ng bandang Yano noong dekada 90. Nananatili itong isa sa mga paborito kong awitin hindi dahil sa ritmo at makatawag-pansin na korus kundi dahil sa payak na pagsasalarawan ng awit sa ka-ipokrituhan ng mga Kristyano.
Hindi ko na mabilang ang taong aking nakilala na tumatawag at binabansagan ang kanilang sarili na maka-Diyos at relihiyoso. Maaaring siya ang kasosyo ng iyong ama sa negosyong linggu-linggo dumadalo sa bible study pero sa huli madidiskubre mo na niloko at ninakawan ang iyong ama ng pera. Maaari siya ang kaibigan mong walang mintis kung dumalo ng lingguhang misa ngunit pagkatapos sumamba ay kasintalas ng espada ang dila. Maaari na siya rin ang maka-Diyos na politikong iyong binoto noong nakaraang halalan ngunit sa totoo ay garapalang ninanakaw ang buwis na iyong binabayad. Hindi ko nilalahat ang mga Kristiyano pero huwag tayong magpaka-plastik, aminin na natin, karamihan sa atin ay malayo sa pagiging Kristiyano ang pag-uugali.

No comments: