Sa isang iglap, mas nanaisin mong sana ay hawak mo ang takbo ng panahon, na nasa palad mo sana ang bawat panahon na nasayang dahil nanindigan kang kaya mo ang sarili mo. Kahit ano pang gawin o sabihin, sadyang may mga bagay dito sa mundo na walang kasiguraduhan kapag iyo nang binalikan. Marami mang sagot sa ganitong klase ng katanungan sa isip mo, hindi naman lahat ay nakakatanggap ng magandang kasagutan, o kaya ang nais nilang kasagutan. Kahit alam nilang may mga balakid, hindi dapat ito maging hadlang upang ipagpatuloy ang nais gawin o simulan. Dapat kang magsikap, magtrabaho, at maging masigasig sa paggawa ng nais mong gawin.
Minsan, ang pagkakaroon ng prinsipyo ang isa sa nangungunang dahilan kung bakit marami sa atin ang ayaw magpakumbaba. Hindi lahat nagkakaroon ng tapang na aminin ang mali na kanilang ginawa. Maraming oportunidad ang sinasayang dahil hinahayaan lamang itong lumipas hanggang sa ito'y magsawa at kumupas. Mga pagkakataon na ibinigay na sana'y nagamit nang maayos nang sa gayon ay hindi umabot sa puntong pinagsisisihan ang mga ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment