Wednesday, October 18, 2006
Usapang Hayop
"Hayop ka!" Ito ang isa sa mga ekspresyong ginagamit ng nakararaming mga Pilipino sa tuwing siya'y nagagalit sa isang tao. Kung hindi ako nagkakamali, ginagamit ang naturang salita dahil inihahantulad sa hayop ang masamang ugali ng tao sapagkat ang hayop ay walang kakayahang mag-isip hindi tulad ng tao. Ngunit, tama ba talagang gamiting ang salitang iyon sa tuwing nagagalit ka sa iyong kapwa? Para sa akin, dalisay ang mga hayop. Isipin mo na lamang, kahit na ang pinakamabangis na hayop, hindi ka naman sasaktan kung hindi mo sila sinaktan. Kahit na wala silang kakayang mag-isip, may kakayanan naman silang makiramdam tulad ng tao. Mamahalin ka ng hayop at ipagtatanggol ka niya sa abot ng kanilang makakaya kung ipinadama mo sa kanya ang iyong pagpapahalaga at pagmamahal. At higit sa lahat, hindi natin maikakailang napakahalaga ng mga hayop sa ating buhay. Isipin mo na lang saan nanggagaling ang kinakain mo sa araw-araw? Sinu-sino ang tumutulong sa mga magsasakang magtanim ng palay sa bukid? Ngayon, nararapat pa bang gamitin ang ekspresyong "hayop ka" sa tuwing may atraso sa iyo ang iyong kapwa?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment