Sunday, October 29, 2006

Astig ka pala eh!

Teka, ano nga ba naman ang astig? Parang salitang kalye lang na nasama sa karaniwang bokabularyo ng mga Pilipino. Siguro naman halatang-halata sa salita na nanggaling ito sa salitang tigas. Tama. Matigas nga ang mga Pilipino, mula ulo hanggang talampakan. Kaya nga hanggang ngayon manhid pa rin ang lahat sa mga pahiwatig ng panahon. Sa sobrang papuri na tinatanggap ng ating bansa, may lugar pa ba sa isip ng mga Pilipino ang pagsusuri sa kaniyang paligid at sarili? Hindi masama ang pansariling gratipikasyon paminsan-minsan. Kaso bigyan-daan naman natin ang pangkalahatang ebalwasyon ng bansa at lahat ng nasasakupan nito. Hindi lahat ay puro papuri. Matuto naman tayong tumingin sa ating pansariling kahinaan.

No comments: