Sunday, October 22, 2006

Lumalalang korupsyon, sinisira ang Pilipinas

Kamakailan ay nagsagawa ang World Bank ng ulat tungkol sa pagganap ng mga namumuno sa pamahalaan upang supilin ang korupsyon at lumabas sa ulat na sa loob ng walong taon ay hindi naging epektibo ang pamahalaang pigilan ang korupsyon sa gobyerno. Matatandaan ding kamakailan lamang ay nahirang muli ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakakorap na bansa sa mundo. Hindi na bago ang ganitong balita. Sa nagdaang mga taon ay ilang dayuhang ahensya na ang nakapuna sa malawakang katiwalian sa bansa at ang masama pa roon ay alam ng pamahalaan ang problema ngunit hindi nagiging maagap ang pagtugon nito sa suliraning ito.
Sa isa pang riserts na ginawa noong 2001, mula 1965-2001, tinatayang umabot na sa $208 bilyon ang nawala mula sa kaban ng gobyerno dahul sa korupsyon. Sadyang nakakalarma ang halagang nawala dahil napupunta lamang sa mga bulsa ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno ang binabayad na buwis ng mga Pilipino.
tsk tsk tsk. . .

No comments: