Mag-iisang oras na akong nag-iisip kung ano ang dapat kong isulat. Konti na lang at susuko na talaga ako nang bigla kong naisip ang salitang determinasyon. Oo, dahil sa determinasyon, magagawa at matatapos ko ito.
Determinasyon, tiwala sa sarili at sa Itaas. Noon pa man naniniwala na akong ito ang tatlong pinakamahalagang bagay na kailangan ng lahat para makamit ang bawat pangarap sa buhay.
Determinasyon ang kailangan ng mga estudyante para magtagumpay. Puspusang pag-aaral ang kailangan para sa kinabukasan. Hindi maiiwasang bumagsak minsan pero hindi ito nangangahulugang wala nang pag-asa. Hindi dapat sumuko. Dapat mayroong determinasyon at tiwala sa sariling makapagtatapos din tayo sa ating kurso.
Para sa lahat, anuman ang mangyari, kahit ilang beses pa tayong madapa at mabigo, kahit gaano pa kataas at kahirap abutin ang ating mga pangarap, hindi tayo dapat sumuko. Lagi dapat nakakabit sa atin ang determinasyon at tiwala sa sarili na magtatagumpay tayo at makakamit natin ang mga pangarap na ito. Hindi rin dapat mawala sa atin ang tiwalang may magandang plano ang Panginoon para sa ating lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment