Friday, September 08, 2006

Makitid na pag-iisip, hangad sa bagong pagtuklas

Ipinanganak tayo sa mundo kung saan karamihan ng ating pinapaniwalaan ay hinubog na ng lipunan. Kung ano ang popyular at alam ng nakararami ang siyang sinusunod at tinatanggap bilang katotohanan kahit na hindi masusing sinusuri ang pinag-ugatan nito. May mga tao na piniling suwayin ang kombensyon at ano ang ginagawa ng lipunan sa kanila? Pinagtatawanan at tinawag na hangal dahil pinili nila na maging iba. Kung babalikan natin ang kasaysayan, hindi ba't inalipusta si Copernicus at tinawag na heretiko nang dineklara niya na hindi ang ating planeta ang nasa sentro ng sandaigdigan? Mahirap tumaliwas sa kombensyon dahil nagiging malupit ang sosyedad sa mga taong pinili na hindi sundin ang hindi nakasanayan. Mahirap maging iba sa mundo kung saan namamayani ang mga hangal at makitid ang pag-iisip.

No comments: