Thursday, September 07, 2006
Disiplina
Minsan inilahad ni Lee Kuan Yew ang sikreto kung paano niya naiahon ang bansang Singapore at nagawa ito bilang pinakamatagumpay na ekonomiya sa Timog Silangang Asya. Inobserbahan niya ang mga kalapit na bansa ng Singapore at kanyang napagtanto kung ano ang wala sa mga bansang ito: disiplina. Mula rito, ginawa niyang pundasyon ang disiplina upang mapaangat ang kanyang bansa. Halimbawang may ipinangako sila sa mga mangangalakal at sa kanilang mamamayan, ito'y kanilang tutuparin. Kung mas naging disiplinado tayong mga Pilipino, makakamit din kaya natin ang tagumpay ng Singapore?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment