Monday, September 11, 2006

Ang Tunay na Kahulugan ng Pamumuno

"Leadership isn't about titles, positions, or flowcharts. Leadership is one life influencing another."
-John C. Maxwell

Kaaya
-aya ang pananaw ng taon ito ( John C. Maxwell) sa aspeto ng pamumuno. Ayon sa kanya, nangangahulugan itong impluwensiya at hindi lang posisyon o titulo na maaaring makamit sa isang organisasyon. Sa pamamagitan ng impluwensiya, nabibigyan ng lakas at inspirasyon ng pinuno ang kanyang mga tagasunod upang maisakatuparan ang layon ng organisasyon.
Mahirap ngunit kinakailangan
Masasabing handa ka na mamuno sa lipunan kapag napamunuan mo na nang husto ang iyong sarili. Tama nga lang naman na ganito sapagkat ito ang hinahangad at tinitingala ng bawat tao sa isang tunay na pinuno. Subalit, hindi lang naman puro tamis ang buhay na dala ng pagiging pinuno sapagkat may mga pagkakataon ring ikaw ay madarapa. Minsan, hindi maiiwasan ang pagkakamali.
Lider ba o lider-lideran lang?
Sa panahon ngayon, minsan na lang makakita ng isang dakilang pinuno. Sa ating bansa ay mangilan-ngilan na lamang sila. Ating tanawin ang kondisyon ng pamahalaan, ng mga pinunong namamalakad dito, at kung papaano napakikilos ang sistema ng bansa. Hanggan ngayon, pansin pa rin ang mga problema at kabuktutang sanhi ng ilang mga lider ng lipunan. Isa na rito ang walang kamatayang korupsyon at ang mga makasariling pamamaraan ng ilang mga pinuno ng bayan. Ebidensya lamang ito na mali ang nabigyan ng kapangyarihan sa lipunan at kaya na lang hindi pa rin maayos ang sistema ng pamahalaan. Naaabuso ang kapangyarihan kapag ito'y ginagamit sa personal na pakinabang ng isang pinuno. Hindi ba't dapat gamitin ang kapangyarihan sa pagtulong sa kapwa sapagkat hindi ito ipinagkaloob para sa personal na kapakanan lamang? Kung tunay ka, parehas tayo ng pananaw. Sapagkat, susunod lamang ang tao sa isang pinunong nagpapakita ng kakayahan sa gawain, tunay na pakialam sa kapakanan sa iba, at kahanga-hangang kaugalian. Ito ang mga bagay na dapat maimpluwensiya ng isang tunay na lider.

No comments: