Wednesday, September 06, 2006

BASURA

Basurahan, ito ang tingin ng ilang Pilipino sa mga kalsada ng Kamaynilaan. Kahit saan ako magtungo ay kapansin-pansin ang mga samu't saring basura na nakalatag sa daan: upos ng sigarilyo, mga plastik, bote, wrapper ng kendi atbp. ang tumatambad sa akin. Ang mas masama pa roon ay tila walang pakialam ang mga tao at lantaran pa rin nila itinatapon. Nang minsan bumili ako ng sago at naghanap ng matatapunan sa tinderong aking pinagbilhan ay sinabihan niya ako na itapon na lang sa daan tutal doon naman kadalasan tinatapon ng mga mamimili ang kanilang napaggamitang baso. Umalis ako tangan ang basong napaggamitan at nayamot sa tinderon pinagbilhan. Nagmumukhang katanggap tanggap na lamang magtapon ng basura kung saan-saan dahil marami ang gumagawa at sadyang nakasanayan na. Sana naman ay magkaroon tayo ng disiplina na itapon ang ating basura sa tamang kalalagyan nito. Hindi dapat itinatapon ang basura, kahit ang bata alam yan. Sana sa susunod na magtapon ka ng basura sa kalsada, mahiya ka naman.

No comments: