Tuesday, September 05, 2006
Pulitika ni GMA
Kamakailan ay pinatay ng house committee on justice sa mababang kapulungan ang inihaing reklamong impeachment laban kay Pangulong Arroyo. Sa botong 56-24, idineklara ng ilang kongresista na 'insufficient in substance' ang pangalawang reklamong isinampa matapos lumipas ang isang taon na moratorium. Sa naging resulta, hindi malayong ganito rin ang kahahantungan ng botohan sa plenaryo at mukhang mauulit lamang ang nangyari noong isang taon, mananaig ang mga kapanalig ni GMA sa kongreso at tuluyang maibabasura muli ito. Paano masasagot at maipagtatanggol ni GMA ang mga akusasyon ng korupsyon at pandaraya kung pinapatay ng kanyang mga alipores ang reklamo? Kungsabagay, kahit na maiakyat ang reklamo sa Senado, sa tingin nyo ba ay hindi rin hawak ni GMA ang numero? Malamang mapupunta rin ito sa wala at gagawin lamang itong behikulo ng libreng publisidad ng ilang nagnanais tumakbo sa 2007.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment