Saturday, September 02, 2006

Tono ng isang manunulat

Sadyang maraming bagay ang nakapagpapagulo sa buhay ng isang tao. Kay hirap nilang takasan at iwasan dahil parte na sila ng buhay mo. Para bang wala nang bukas kung sila'y umatake; hindi ka nila titigilan hangga't sumuko ka sa hirap na iyong nararanasan. Ngunit may mga bagay din namang maaaring makapagpagaan ng loob mo habang nararanasan ang mga bagay na ito. Kaya't ako, sa tuwing gusto kong makalimot sandali ng ilang mga problema, may isang bagay na nagiging katuwang ko sa tuwing ako'y nagnanais na mapag-isa at mag-isip, ito ang musika.

Buhay na may musika
Sadyang kay daming klase ng musika ang lumalabas ngayon. Pero nakakapagtaka kung bakit halos lahat ay sabay-sabay na nagsisipaglabasan kung kaya't marami nang mga kumakanta ang hindi ko kilala. Pero para sa akin, kahit sino pa mang kumanta, basta ba't nagustuhan ko, isinasantabi ko na ang mga bagay na tulad nito.
Kung mahilig kayo sa OPM, marahil alam mong kung ano ang tunog at tono ng bawat kanta ng paborito mong mang-aawit, ngunit madalas na hindi nakikilala ang pamagat ng mga kantang ito. Sa bawat tono ng musika na kanilang tinutugtog, maraming lumalabas na katangian ng bawat komposisyon na lumilitaw sa tuwing ito'y maririnig. May iba't ibang mga bagay na posibleng mapaghuhugutan ng emosyon at konteksto ng bawat kanta. Maging tungkol man ito sa araw-araw na gawain hanggang sa problema sa buhay at pamilya, maaari itong maging paksa ng isang mang-aawit sa kanyang kanta. Kaya siguro maraming tao ang nakakaugnay sa mga kanta dahil sinasalamin nito ang mga bagay o pangyayari na nagaganap din sa kanila sa araw-araw.
Musika at manunulat
Kahit ako, bilang isang ama, kaibigan at anak, maraming bagay ang nakakaimpluwensya sa akin upang ipagpatuloy ang kung anumang sinimulang kong trabaho. Ayokong isipin ang mga hadlang na nasa paligid ko dahil mas lalo namang na hindi ko maipagpapatuloy at maibibigay ang nais kong gawin o sabihin. Gaya ng pagiging isang manunulat, may tungkulin akong ibigay o magbigay ng impormasyong dapat ay maging patok sa aking mga mambabasa. Dapat kong alamin kung paano nga ba maging isang mamamahayag na karapat-dapat umani ng respeto at tiwala ng aking tagasubaybay. Tulad ng isang manunulat at mang-aawit, trabaho nilang gampanan ang responsibilidad nila bilang mga taong nagbibigay-aliw at inspirasyon sa kanilang tagapakinig. Hindi birong maituturing ang kung anumang naiatas na bansag sa kanila. Kumbaga, pressure ito kung hindi nila maitataguyod ang kanilang imahe lalo na kung sikat sila sa lahat ng klase ng taong nabibilang sa iba't ibang estado ng buhay.
Ang musika ng pagkakataon
Lahat tayo, maaaring hindi man sa lahat ng pagkakataon, ay nakakaranas ng matitinding pagsubok sa buhay. Ngunit kung iisipin, lahat ng mga bagay ang nangyayari ng may dahilan. Wala naman tayong mahanap na sagot sa kung bakit nangyayari ang mga bagay na iyon, dapat alam nating kung ano ang bawat hakbang na makakapagpabuti sa ating magiging desisyon.
Kung babalikan ang paksa ng musika, masyadong malawak ang salitang ito. Sadyang kay dami ng nais ipahiwatig ng mga salitang o lirikong nakapaloob dito. Ang bawat salita ay may katumbas na kahulugan, na maaaring maging iba sa interpretasyon ng nakikinig at sa lumikha nito. Kanya-kanyang gawa ng tono, kalidad at antas ng kasikatan ang hatid ng bawat kanta, ngunit iisa lamang ang sa tingin kong nais nilang ipahiwatig: ang maging parte ng buhay ng bawat taong nakikinig sa kanila.

No comments: