Tuesday, August 08, 2006

Pagyakap sa Buhos ng Biyaya

Biyaya: isa itong klase ng regalo na nais matanggap ng karamihan kung hindi man lahat ng tao. May iba't ibang klase ng biyaya para sa iba't ibang tao. Swerte nga namang maituturing ang maambunan ng grasya at mas maswerte pa siyempre kung hindi lamang ambon kundi isang pag-ulan ng biyaya ang bubuhos sa buhay ng tao. Maaaring may mga biyayang maliit lamang ngunit malaki ang epekto sa buhay ng isang tao. May mga biyaya ring biglang dumarating nang hindi inaasahan. Ngunit may ibang taong talagang sadyang lapitin ng biyaya, kaya't kahit sa hirap ng buhay ngayon, hindi sila nahihirapang kumuha ng pantustos para sa araw-araw nilang pangangailangan.

No comments: