Dadaan ang mga pulitiko. Ngingiti sa iyo. Kakamayan ka. Ano ang gagawin mo?
1, 2, 3, *poof* and they became crocodiles! Time's up! Ang galing-galing 'no? Parang naglalaro lang.
Panahon na naman ng pagpili at pagdedesisyon. Kabila't kanan ang mga pakitang-tao at paghahalina ng mga kandidato sa samabayanang huhusga sa kanilang kapalaran. Hindi niyo ba napapansin, tuwing halalan lang ang mga 'yan mababait?! Kitang-kita naman ang laking pagbabago sa paligid tuwing papalapit na ang eleksyon. Nakakalungkot pero masaya na ako sa pinunong hindi pabagu-bago ang pagganap sa kanyang tungkulin. Hindi siya mabuti tuwing eleksyon lang. Hindi siya aktibo tuwing eleksyon lang. Hindi siya mapagbigay tuwing eleksyon lang. At lalung-lalo na, hindi siya tao tuwing eleksyon lang. Hayaan na lang niya humusga ang mga tao kung nararapat ba talaga siyang ihalal muli o hindi.
Hindi masama ang pagpapakitang-gilas. Pero kung kaya niyo naman magpakitang-gilas tuwing eleksyon, bakit hindi niyo na lang ginawa 'yan habang hindi pa ganun kataas ang pamumulitika sa bansa hindi tulad ngayong papalapit na ang eleksyon? Mas lalo tuloy nagmumukhang kawawa ang sistema dahil pana-panahon lang ang pagbibigay niyo ng magandang serbisyo sa mga tao. Tapos aasa pa kayo na ibibigay ng tao ang tiwala sa inyo? Hindi niyo ba naiisip na kaya siguro kayo nananalo sa mga posisyong tinatakbuhan niyo dahil wala nang ibang pagpipilian maliban sa inyo? Ngayong papalapit na halalan, huwag niyo muna hanapin ang problema sa paligid niyo. Nasubukan niyo na ba tumingin sa salamin? Baka kasi nandoon lang ang problemang hinahanap niyo. Tingnan niyo. Ngingiti pa 'yan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment